The FEU Advocate » Filipino

Umiinit na suliranin sa Climate Change
Ni Ace Cielo Marie M. Gonzales

Ang unti-unting pagkasira ng kalikasan ay repleksyon ng mga makasariling gawain ng mga tao.

Sa kasalukuyan, ang katagang global warming ay bidang bida sa telebisyon, radyo at mga pahayagan. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng matinding init at nagdudulot ng ilang mga abnormalidad sa ating kapaligiran. Maraming mga tao, hayop at halaman ang apektado sa lumalalang problemang ito.

Mapanirang gawain ng tao

Ang global warming ay bunsod ng paglaganap ng greenhouse effect. Ito ay ang init na naiipit sa atmosphere dahil sa dami ng mga greenhouse gases o GHG na nagdudulot ng Climate Change o pagbabago ng klima at nagiging sanhi ng mga abnormalidad sa ating kapaligiran tulad ng labis na pag-init. Kailangan natin ng init pero kung sosobra naman ay makakasama ito para sa mga tao, hayop at mga halaman.

Ang Anthropogenic H u m a n A c t i v i t i e s ay ang mapanirang gawain ng mga tao sa kalikasan. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA mayroong limang pangunahing konsentrasyon na gawa ng tao ang nakakaapekto sa paglala ng global warming.

Ilan sa mga ito ay ang patuloy na paggamit ng mga produktong may halong fluorocarbons tulad ng aircon, refrigerator at hair spray. Pinakakilalang GHG naman ang carbon dioxide na nagmumula sa pagsusunog ng fossil fuels tulad ng gasolina, krudo at coal na ginagamit ng mga sasakyan, pabrika at power plants.

Epekto ng pagbabago

Ayon sa PAGASA naitala ang pinakamainit na temperaturang 38 sentigrado sa buong kamaynilaan noong ika-26 ng Mayo 2010. Dahil sa sobrang init ng panahon ay nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating kapaligiran na labis na nakakaapekto sa sektor ng ekonomiya. Isa na rito ang pagkakaroon ng fish kill o pagkamatay ng mga isda dahil sa pag-init ng temperatura ng tubig. Nauubos na rin ang mga korales kung saan sila nangingitlog at dumarami.

Sa sektor naman ng agrikultura ay nagkakaroon ng problema sa irigasyon na nagdudulot ng pagkatuyo ng mga pananim. Isa ang Banaue Rice Terraces na malubhang tinamaan ng matinding tagtuyot na dulot ng El Niño. Nahihirapan ang maraming magsasaka dahil hindi sila makaani ng maayos sa init na kanilang nararanasan.

Ang pananalasa ng Bagyong Ondoy sa Pilipinas noong Setyembre 2009 ay isa rin sa mga abnormalidad na nangyari sa ating kalikasan. Paliwanag ni Francisco R. Cada, isang weather specialist ng PAGASA, “Dahil ito sa climate change kaya nagbagsak ito [Ondoy] ng maraming ulan.”

Hindi lamang sa Pilipinas nararanasan ang pagbabagong hatid ng climate change. Ayon sa mga datos na nakalap ng PAGASA, 2.7 porsyento ng yelo sa Arctic Ocean ang natutunaw kada dekada. Ang pagkatunaw ng mga glaciers o m g a t i p a k n g y e l o a y nagdudulot ng sea level rise na maaaring maging sanhi ng pagkalubog ng ilang maliliit na bansa.

Dagdag pa ng PAGASA, nakaranas ang Tokyo, Japan noong 2009 ng paunti-unting pagbagsak ng nyebe na sinundan pa ng pagyeyelo ng mga lugar na hindi naman karaniwang binabagsakan ng nyebe.

Sa aspetong kalusugan, nagdudulot ang matinding sikat ng araw ng mga sakit sa balat tulad ng tigdas, bulutong at skin cancer. Isa si Kris M. Samson, estudyante mula sa Polytechnic University of the Philippines-Sta. Mesa ang labis na naapektuhan ng mainit na panahon. “Hindi komportable ang pakiramdam ko kapag summer, feeling ko nga, mapapabilis ang buhay ko,” sabi niya.

Aksyon ng PAGASA

Bago matapos ang pasukan ay nagkaroon ng Information Education Campaign ang PAGASA sa iba’t-ibang hayskul at kolehiyo upang mas lalong maunawaan kung ano ba ang climate change.

Sa tulong na rin ng isang video ay mas napaunawa nito sa mga kabataan na may magagawa sila upang mabawasan ang greenhouse effect na nagdudulot ng matinding init. Napapaloob din doon ang mga maaaring hakbang upang makaiwas sa ilang mga sakit at sa heat stroke na dulot ng heat waves.

Layunin ng ahensya na malinawan ang bawat mag-aaral sa sanhi at bunga ng pagkakaroon ng abnormal na panahon. Nakikipag ugnayan din sila sa iba’t ibang sangay ng gobyerno upang mas mapalawig pa nila ang impormasyon patungkol sa climate change.

Pinaalalahanan din ng PAGASA ang mga mag-aaral na ugaliing uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang heat stroke. May ilan namang estudyante na nakaisip ng solusyon upang kahit papaano’y maibsan ang init ng panahon. “Mas inaagahan kong pumasok at nagdadala ako ng payong kasi ‘yung UV [Ultra Violet] light delikado sa balat,” saad ni Jecksther Dela Cruz, Tourism Management sa Far Eastern University.

Ayon sa forecast ng PAGASA ay sa buwan ng Hunyo magsisimula ang panahon ng tag-ulan. Subalit dahil sa climate change may mga salik pa na dapat isaalang-alang dahil maari pa rin itong magbago. “Ang El Niño kasi nangyayari ‘yan sa dagat Pasipiko hindi sa Pilipinas so not necessarily na okay,” dagdag ni Cada.

Biglaang pag-ulan sa tag-araw

Ikinagulat ng marami ang biglaan at malalakas na pag-ulan sa ilang parte ng Pilipinas partikular na sa Maynila at Mindanao noong ika-26 ng Mayo. Nagdulot ito ng pagbaha sa ilang mga lugar. Inakala ng marami na dahil ito sa nalalapit na pagdating ng La Niña sa ating bansa.

Agad namang pinabulaan ni Analiza Solis isang weather specialist ng PAGASA na hindi La Niña ang dahilan ng pag-ulan. Ayon sa kanya nasa 40 porsyento lamang ang probability rate na magkaroon ng La Niña sa ating bansa at kung sakaling magkakaroon man sa buwan pa ng Hulyo hanggang Setyembre pa ito mararanasan. 	“Mababa ang probabity rate subalit maari pa rin naman itong magbago kaya nag momonitor pa rin kami,” dagdag pa ni Solis

Tugon ng Pilipinas sa climate change

Ayon sa t h e s n a p p e r . c o m , sinimulan ni Senador Gaylor Nelson ng Amerika ang pagdiriwang ng Earth Day noong ika-22 ng Abril taong 1970 na dinaluhan ng 20 milyong Amerikano para maipaalam sa lahat ng tao ang kanilang magagawa upang mapangalagaan ang ating kalikasan.

Bilang pakikiisa ng Pilipinas sa malawakang problema sa climate change, nagsasagawa ito ng mga negosasyon at ratipikasyon na makatutulong upang mabawasan ang GHG. Isa ang Pilipinas sa 187 bansa na pumirma at nakiisa sa Kyoto Protocol – ito ay isang kasunduang tinatag noong ika-16 ng Pebrero 2005 upang mabawasan ang GHG na naiaambag ng mga bansa.

Sa ilalaim ng Kyoto Protocol ay kailangan ng mga bansang papaunlad tulad ng Pilipinas na magsagawa ng mga adhikain upang mabawasan ang GHG. Alinsunod sa kasunduan ay nagpasa ang lehislatura ng mga batas tulad ng Climate Change Act of 2009, Clean Air Act of 1999 at Solid Waste Management Act of 2000.

Hakbang tungo sa pagbabago

Literal na naging madilim ang ilang bahagi ng Pilipinas matapos magpatay ng ilaw ang 1,076 na lungsod mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi noong ika-27 ng Marso 2010 upang gunitain ang Earth Hour. Nagpakita din ng suporta ang ilang mga kilalang pasyalan tulad ng Fort Bonifacio, Global City sa Lungsod ng Taguig, Luneta at El Nido Limestone Cliffs sa Palawan para sa adbokasiyang ito.

N a g s i m u l a a n g pagdiriwang ng Earth Hour sa Sydney, Australia noong 2007, sa tulong na rin ni Andy Riley ang founder at executive director ng Earth Hour. Nilahukan ito ng 2.2 milyong residente at 2,100 na gusali sa larangan ng negosyo.

Samantala, sa pagtutulungan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at Earth Day Network Philippines ay nagkaroon ng makulay na selebrasyon ang Pilipinas upang gunitain ang Earth Day noong ika-22 ng Abril 2010 sa SM Mall of Asia na may temang “Climate Change, we have 10 million solutions”. Nagsimula ang selebrasyon sa caravan ng mga naggagandahang dilag ng Ms. Earth Pageant na sinundan ng pagbibigay ng parangal sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na eco-friendly.

Ang Climate Change ay isang krisis na nararanasan ng buong mundo. Ito ay isang isyung pang-ekonomiya at pulitika. Sa kasalukuyan mas pinaiigiting pa ng pamahalaan ang kanilang magagawa upang mabawasaan ang kontribusyon ng Pilipinas sa GHG.

Pagsagip sa nalulunod na laro ni Juan
Nina Bill Andrew L. Rañola at Don Carlo P. Santos

Lahat ay dumaan sa pagkabata. Karamihan ay nagalusan at nagasgasan dahil sa kakatakbo makaiwas lamang sa tapik ng taya o kaya’y sa pakikipagunahan sa base. Marahil lahat din ay nakaranas ng mapagsabihan dahil umuwing madumi ang damit at madudusing ang paa’t kamay. Ito’y nagawa ng mga bata sa ngalan ng paglalaro.

Hindi maiiwasan ang mga ito sa tuwing naglalaro ang mga kabataan ng mga larong Pinoy. Ngunit sa kabila ng mga ito, may mga kabutihan itong naitutulong sa mga manlalaro nito. Sa pamamagitan ng mga larong Pinoy, naipapamalas ng mga manlalaro nito ang kanilang galing at nalilinang ang kanilang kakayahang pampisikal at panglohikal, pati na rin ang kanilang pagkatao. Dahil sa natatanging katangiang tinataglay nito, minahal ito ng karamihan lalo na ng kabataan.

Ngunit sa paglipas ng panahon at dagdag pa ang mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, ang mga bata sa henerasyong ito ay nakatutok na kadalasan sa mga makabagong laro tulad ng Defense of the Ancients o DOTA at Counter Strike. Bilang resulta, kaunti na lang sa kanila ang nakakaalam ng mga larong makaluma tulad ng tumbang preso at trumpo.

Ang makabagong teknolohiya ay pansamantalang pumupuna sa kasiyahan at oras ng mga bata. Ngunit sa kabila nito, malaki nga ba ang nawawala sa kabataan nila dahil sa teknolohiya? Kaya bang punan ng mga computer games ang tunay nilang kaligahayan?

Laro ng lahi

Hitik ang Pilipinas sa kultura, partikular na sa mga tradisyunal na laro. Mula pa noon, bata man o matanda ay mahilig nang maglaro ang mga Pilipino. Hindi naging hadlang ang kakulangan sa laruan upang makapaglaro. Bagkus, naimbento ang iba’t-ibang laro na siyang nagsilbing libangan at simbolo ng pagkabata.

Ang sarili lamang ang tanging sandata sa bawat laro. Hindi kinakailangan ng anumang kagamitan, malawak na lupang palaruan na kadalasan ay sa harap ng bahay o sa lansangan lamang ang kailangan.

Tulad na lang ng palo-sebo na nagmula sa Luzon kung saan maraming puno ng niyog. Ito ay kadalasang nilalaro ng mga lalaki sa tuwing may ipinagdiriwang na pista sa bayan. Sa larong ito nag-uunahan ang mga manlalaro sa pag-akyat sa kanya-kanyang mahabang kawayan na may mantika bilang pampadulas. Ang unang makaabot at makakuha ng premyo sa tuktok ng kawayan ang panalo.

Ang iba pa sa mga tradisyunal na larong Pinoy ay ang luksong baka na nagmula sa Bulacan. Ang larong ito ay binubuo ng dalawa o higit pang manlalaro kung saan may isang taya o “baka”. Kailangang makatalon sa ibabaw ng “baka” ang mga manlalaro. Habang tumatagal ang laro, tumataas ang tindig ng “baka.” Ang hindi makatalon o ang makasagi sa “baka” maliban sa kamay ang sunod na matataya.

Karamihan ng mga larong Pinoy gaya ng luksong baka at agawan base ay nangangailangan ng pisikal na lakas ng manlalaro. Dahil dito, nabibigyan ng mainam na ehersisyo ang mga ito at nagkakaroon ng matibay na pangangatawan.

Nahuhubog din ng mga larong tulad ng dama at patintero ang pag-iisip ng mga manlalaro dahil nakakapagturo ito ng mga istratehiyang makakatulong sa kanilang paglalaro at kung paano gumawa ng mga lohikal na desisyon na makakabuti sa kanila.

Ang laro ng mga Pinoy ay humuhubog din sa pag-uugali ng mga manlalaro nito. Nagkakaroon sila ng mga kaibigan sa pamamagitan ng paglalaro at natututo rin ang mga ito na tanggapin ang kanilang pagkatalo.

Ilan pa sa mga larong Pinoy na kinagiliwan ng mga kabataan ay ang luksong tinik, syato, piko, sungka, teks, holen, sipa at marami pang iba.

Natural o Digital

Ang mga ipinanganak 20 taon o mahigit pa ay hindi na bago sa mga larong Pinoy. Ngunit sa henerasyon ngayon kung saan ang teknolohiya ang pangunahing kalaro, ang mga kabataan ay naiiba.

Dahil sa modernisasyon, isinantabi na ng marami ang larong kinahiligan at tinangkilik ang mga larong mula sa ibang bansa. Ilan sa mga ito ang mga isport na basketball at volleyball, at ang mga nausong high tech na mga kagamitan gaya ng computer at iba pang video game console na nagsimulang kahiligan ng mga Pilipino bago matapos ang dekada ’90.

Sa isang artikulo ng www.inquirer.net, batay sa isang survey na isinagawa ng Nielsen Global Online Consumer Survey sa 52 bansa noong Setyembre-Oktubre 2008, ang mga Pilipino ay nangunguna pagdating sa paglalaro ng iba’t ibang video games gaya ng Diner Dash, Guitar Hero, at iba pa—isang patunay na isinantabi ng mga Pilipino ang sariling laro.

Simula ng tangkilikin ng mga Pinoy ang mga computer at video games, masasabing hindi na nagkaroon ng maayos na ehersisyo ang mga ito. Karamihan ng mga larong makabago ay hindi nangangailangan ng pisikal na lakas ng manlalaro na nagiging dahilan ng kawalan ng ehersisyo ng mga manlalaro.

Ayon kay James Roy Bautista, 11 taong gulang na bata mula sa Sampaloc, Manila, hindi daw siya nakakapaglaro ng mga larong Pinoy dahil madalas daw siyang nasa computer shops para maglaro ng Local Area Network o LAN games tulad ng DOTA.

“Uso kasi ang DOTA. Lahat ng mga kalaro ko nagdo-DOTA kaya sumasali din ako sa kanila,” paliwanag niya kung bakit hindi siya nakakapaglaro ng larong Pinoy.

Isinalaysay naman ni Jose Mari Hernandez, second year BS Accountancy, na noong siya ay bata, kahit may mga video games na ay hilig pa rin niya at ng mga kaibigan ang sariling laro partikular na ang patintero at agawan base.

“Hilig ko na talaga dati pa ‘yung mga larong Pinoy. Exercise siya ‘eh. Tapos dahil do’n dumami pa kaibigan ko. Unlike sa video games dati na konti lang kalaro mo,” dagdag pa niya.

Ngunit sa pagsibol ng modernisasyon, unti-unting naisantabi ang mga nakalakihang laro. Pero dahil sa mga taong nagmamahal sa sariling laro ay muling naipapakilala ang mga larong Pinoy lalo na sa bagong henerasyon.

Pagsagip sa sariling laro

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga Pilipinong nahihilig sa mga larong nagmula sa ibang bansa gaya ng Amerika at Europa, o mga larong kanluranin tulad ng Grand Theft Auto o GTA, DOTA, at marami pang iba, naitatag ang mga grupong nais mapanatili ang larong Pinoy. Isa na rito ang Samahang Makasining Inc.

Ayon sa kanilang website na www.acpfi.org ang layunin ng samahang ito na maingatan ang mga katutubong laro ng bansa at maipakita ang yaman ng sining at kultura nito sa pamamagitan ng aktwal na paglalaro ng mga ito.

Isa sa mga proyektong inilunsad ng samahang ito upang mapanatili ang larong Pinoy ay ang tatlong araw ng aktwal na paglalaro nito. Ito ay kadalasang ginaganap sa tuwing sila’y nagkakaroon ng lecture tungkol sa kultura at sining sa mga paaralan at unibersidad dito sa Pilipinas.

Sa isang panayam sa pamamagitan ng e-mail, ibinahagi ni Elito “Amangpintor” Circa, isang pintor at Board Chairman ng Samahang Makasining Inc., na ang proyekto nila para sa laro ng lahi ay tuluy-tuloy nilang ginagawa, may okasyon man o wala.

“Layunin ng samahan na buhayin ang mga larong Pinoy hindi lamang para laruin sa lokal kundi para mailinya rin ito sa mga pambansa at pang-international na laro,” paliwanag ni Circa.

Isa pang organisasyong nagsusulong ng mga larong Pinoy ay ang Magna Kultura Foundation (MKF) na itinatag noong June 2, 2003. Isinusulong nito ang pagbuhay sa mga larong kadalasan ay nilalaro sa kalsada o mas kilala na ngayon sa tawag na larong Pinoy.

Ipinapakilala ng MKF ang mga larong Pinoy sa mga kabataan sa pamamagitan ng paglunsad ng mga tournament sa iba’t ibang barangay at paaralan. Dahil rin sa kanila ay muling nagkaroon ng mga panindang laruang Pinoy gaya ng holen, sipa, trumpo, at iba pa.

Samantala, isang batas ang ipinanukala ni Kabataan Partylist Rep. Raymond V. Palatino na naglalayong maisalba at proteksyunan ang mga laro ng ating bansa. Ito ay ang House Bill 7103 o ang Philippine Traditional Games and Sports Act of 2009.

Ang House Bill 7103 ay nag-aatas sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan at pamantasan sa Pilipinas na isama sa kursong Physical Education (PE) ang pagtuturo ng mga tradisyunal na laro at isport ng bansa.

Inihayag din ni Palatino sa pamamagitan ng website ng kongreso na www.congress.gov.ph na ang panukalang batas na ito ay naglalayong maitaguyod, mapangalagaan at maipakilala ang minanang kultura at mayamang kasaysayan ng ating bansa, partikular na ang nakaugaliang laro at isports.

“Philippine traditional games and sports, like luksong tinik, patintero, sipa, and the recently-declared National sport, Arnis have a lot to boast in terms of creativity, recreation, ingenuity, athletic training and social interaction,” paliwanag niya ukol sa pagsulong ng batas.

Idinagdag pa niya na ang mga larong ito ay nagpapakita ng kultura ng ating bansa at nakakapaghubog ng mabubuting kaugalian sa mga manlalaro nito.

Sa ngayon, hinihintay pang maaprubahan ang panukalang batas na ito upang maging epektibo sa buong bansa. At habang hindi pa ito naisasabatas, patuloy pa rin ang iba’t ibang uri ng organisasyon sa paglulunsad ng mga proyektong para sa pagpapanatili ng mga larong Pinoy—mga larong hindi naman nawala ngunit naisantabi, at ngayon ay unti-unting ibinabalik.

Ang Diksyunaryo ni Gaboy
Nina Don Carlo P. Santos at Ace Cielo Marie Gonzales

Iba’t-ibang bansa ang dumayo at sumakop sa ating bansa. Kaya naman iba’t ibang pagbabago ang sa atin ay kanilang idinulot. Sa makabagong panahon ngayon, mayroon nang madali at mabilis na paraan para maunawaan ang salitang Ingles.

Unawaang Filipino

Hindi maikakaila na ang mga pananakop ng mga dayuhan ay nagdulot din ng pag-unlad sa ating wika. Karamihan ng mga salitang ginagamit natin ngayon ay nagmula o ibinatay sa salitang Espanyol ng Espanya na nakatulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino na ating Pambansang Wika.

Ang salitang Ingles naman, na ipinakilala sa atin ng mga Amerikano mula sa Amerika ay ginagamit din natin ngayon bilang isang batayang wika o universal language na tulay ng ating pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Dahil dito ay naging ikalawang wika na natin ito.

Nagdulot ng paghahalo o pagsasama ng mga wikang Filipino at Ingles ang sabayang paggamit at pagbaybay ng mga ito. May mga salitang Ingles kasi na walang katumbas na salita sa ating wika.

Ito ang ilan sa mga kadahilanan kung bakit nauuso ngayon ang mga salitang kalye at salitang “taglish” (mula sa mga salitang Tagalog at English) na maituturing na salitang balbal.

Tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga bansa at patuloy rin ang pagsilang ng mga bagong salitang Ingles na walang katumbas sa wikang Filipino. Naging dahilan ito ng paglalabas ng mga English-Filipino dictionary na nagpapaliwanag ng mga salitang Ingles. Isa sa mga ito ay ang Gabby’s Dictionary.

Gabby’s Dictionary

Kaiba sa mga pangkaraniwang English-Filipino dictionary, ang Gabby’s Dictionary, na inilathala ni Retired Philippine National Police (PNP) Superintendent Luciano L. Gaboy ay naglalaman ng mas komprehensibong mga detalye o paliwanag ng mga salitang Ingles. Ginagamit dito ang wikang Filipino bilang paraan ng pagpapaliwanag o pagbibigay kahulugan sa mga salitang Ingles.

Sa Gabby’s Dictionary, hindi lamang mga pangkaraniwang salitang Ingles ang ipinaliliwanag. Maging ang mga malalalim at komplikadong salitang Ingles gaya ng mga scientific at medical terms at mga pangalang Griyago at Romano ay nagagawang ipaliwanag sa talahulugang ito.

Sa isang panayam kay Gaboy na ngayon ay isang Assistant Administrator ng PNP Service Store System, ibinahagi niya na inabot siya ng 18 na taon sa pagbubuo at pagsasagawa ng diksyunaryong pinangarap niya noong bata pa siya.

“Sa pagsulat ng libro, I was thinking na kayang-kaya ko ‘yun ng one year pero hindi pala. Dahil habang ina-analyze ko ‘yung mga words, eh dumadami pala ‘yung meaning. Kaya nag-research akong mabuti,” paliwanag ni Gaboy kung bakit nagtagal ang pagsasagawa ng Gabby’s Dictionary na ang pangalan ay hango sa kanyang apelyidong Gaboy.

Ayon pa sa kanya, kinailangan niya ng mahabang panahon upang matapos ang diksyunaryo dahil hindi basta-basta ang pagsulat ng ganitong uri ng aklat. Nagbasa din siya ng iba’t ibang talahulugan gaya ng Webster’s at American Heritage upang mas maging kumpleto ang mga kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa kanyang diksyunaryo. Ito ay kasalukuyang ibinebenta sa National Book Store sa halagang P1,750.

Modernong diksyunaryo

Dahil sa pagdami ng mga taong nag-i-internet at sa modernisasyon, naisipan ni Gaboy na magkaroon ng online Gabby’s Dictionary.

Sa tulong na rin ng mga kaibigan ng kanyang pangalawang anak na si Mariner Gaboy, naisagawa sa loob ng anim na buwan ang website na www.gabbydictionary.com kung saan mas napapadali ang pagsasalin ng wikang Ingles sa wikang Filipino.

Ang Gabby’s Dictionary online ay makakatutulong sa mga mag-aaral na nagnanais na makita ang depinisyon ng mga salitang Ingles sa wikang Filipino. Ito ay mabilis na proseso lamang kung saan dapat mo lamang ilagay ang salitang nais mong malaman at lalabas na ang kahulugan nito.

Ipinakilala rin ni Gaboy sa website na ito ang “textionary” na hango sa mga salitang “text” at “dictionary” na kung saan maaaring magsalin at magbigay kahulugan ng salitang Ingles sa pamamgitan ng cellphone.

“Five years from now, very common na ang nag-i-internet. So, magiging very useful ‘yung Gabby’s Dictionary. Noong araw, no’ng bago pa ilabas ang cellphone, wala pang nakakaisip ng gano’ng content nito na ilalagay sa cellphone.”

Makabuluhang pagkilala

Noong ika- 28 ng Agosto 2008 ay iginawad ng Komisyon ng Wikang Filipino ang isang pagkilala sa kanyang naging mga ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, partikular na ang pagkakagawa niya sa Gabby’s Dictionary.

Ayon kay Gaboy, masaya naman siya at kuntento sa mga pagkilala at rekognisyong natatanggap niya para sa pagsulat ng Gabby’s Dictionary, pati na rin ang iba pa niyang librong “Corps DYOKS 1 at 2” at “Pagkatapos ng High School Ano Na?”

Ibinahagi din ni Gaboy ang ilan sa mga hindi niya malilimutang kumento ng mga viewer ng website nito. “Mayro’ng nag-comment, ‘one of the best online dictionary in the world’ daw. “It’s heart warming para mabasa mo ‘yung gano’n”.

Ayon naman kay Niña Kamille Mantatao, 1st Year BS Accountancy na nakita at napuntahan na ang website na ito, “It’s [Gabby’s Dictionary] a new thing. Kasi first time ko makakita ng gano’ng site. And the idea of bringing up textionary into the world was innovative.”

Sa ngayon, pinaplano ni Gaboy na i-update ang mga salitang matatagpuan sa kanyang diksyunaryo at gawing mas maganda ang anyo ng website nito.

Ni Bill Andrew L. Rañola

Ang isang pelikula ay nagsasaad ng isang kuwentong sumasalamin sa realidad o maging kumakatawan sa ating malayang imahinasyon. Itinuturing itong isang paglalakbay. Ngunit ano nga ba ang kuwento na humubog sa industriya ng pinilakang tabing na ating kinamulatan at patuloy na sinusundan?

Ang dekada ’50 ang itinuturing na Golden Age ng pelikulang Pilipino. Ito ang panahon na kinilala ang mga Pilipino sa mga natatanging aktor at kuwentong taglay ng pelikula noon. Sa panahon ring ito ay nabigyang daan ang mga studio tulad ng: Ang De Leon (L), Villonco (V) at Naboa (N) o LVN Pictures, Sampaguita Pictures, Premiere Productions at Lebran ang itinuturing na “Big Four” noong kasagsagan ng kasikatan ng pelikulang Pilipino.

Sinasabing malaki ang pag-unlad sa larangan ng pelikula nang panahong ito. Ang larangan ng cinematography at iba pang aspeto ng pelikula ang nagbigay daan upang lalo pang makilala ang industriya hindi lamang sa Asya kung hindi maging sa mundo. Subalit, sa pagdaan ng mga taon ay unti-unti ding pinakilala sa bansa ang iba’t-ibang uri ng pelikula mula dekada ’60 hanggang ‘70.

Pista ng Pelikulang Pilipino

Mula noong 1975, ang MMFF ay naging isang taunang kapistahang pampelikula ng Kalakhang Maynila. Ang panahon na ito ay nagsisimula sa ika-25 ng Disyembre ng bawat taon at mga pelikulang Pilipino lamang ang pinapalabas sa buong Pilipinas.

Maaari lamang ipalabas ang mga pelikulang lumahok at tinanggap ng mga hurado ng kalipunan ng MMFF. Isa sa mga katangi-tanging kaganapan sa kapistahan ang parada ng mga artista kung saan nakasakay sila sa mga magagarbong mga float na bumabaybay sa kahabahan ng Roxas Boulevard.

Ang kauna-unahang pelikula na nakatanggap ng pinakamahusay na pelikula ay ang “Dinggin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa” ni Augusto Buenaventura at pinagbidahan naman ni dating Pangulong Joseph Estrada na itinanghal na pinakamagaling na aktor.

Sa kasaysayan ng MMFF, si Nora Aunor ang may pinakamaraming natanggap na parangal bilang pinakamahusay na aktres na nakakuha na ng pitong parangal. Sa pagiging pinakamahusay na aktor naman, kinilala si Christopher De Leon na nakakuha na ng walong pagkilala.

Noong nakaraang taon ay ipinagdiwang ang ika-35 taon ng MMFF kung saan kinilala sina Sharon Cuneta bilang pinakamahusay na aktres at si Ramon Bong Revilla Jr. bilang pinakamahusay na aktor. “Ang Panday” naman ang kinilala bilang pinakamahusay na pelikula.

Ilan pa sa mga prestihiyosong grupo na nagbibigay ng parangal sa sineng Pilipino ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Award (FAMAS), Star Awards for Movies and Television at Gawad Urian.

Pamimirata sa pelikula

Matagal nang suliranin ng mga produsyer ng pelikula ang pamimirata. Ayon sa opisyal na website ng Optical Media Board (OMB) ang www.omb.gov.ph ay bumaba ang mga pelikula na nagagawa kada taon. Noong 1996 hanggang 2000, mula sa 240 ay bumaba sa 120 na pelikula nalang at nangalahati pa ang bilang nito sa 56 na pelikula noong 2004.

Ayon din sa opisyal na website  ng FAP ang www.filmacademyphil.org. Noong  2005 ay mayroong 52 na ipinalabas na mainstream na pelikula at bumaba pa ang bilang nito hanggang 2009 na may 33 lang na pangunahing pelikula.

Ang pamimirata rin di umano ang isa sa mga sinasabing dahilan ng pagbaksak ng pelikulang Pilipino. Matagal nang problema ang pamimirata. Sa katunayan, noong panahon pa daw ng kasikatan ng Betamax at Video Home System (VHS) noong dekada ‘70 ay talamak na ito.

Nang magsimula ang Batas Militar noong kalagitnaan ng dekada ’70 ay naging mahigpit ang pamahalaan sa pagpasok ng mga dayuhang kagamitan sa bansa, isa sa mga ito ay ang betamax. Kaya naman naantala ang pagpapalabas sa mga sinehan ng mga pelikulang dayuhanng tinatangkilik ng mga Pilipino. Nagresulta ito ng pagbubukas ng mga video rental shops sa bansa.

Ang mga may-ari ng mga video rental shops ay kokopyahin ang mga palabas sa pamamagitan ng satellite feeds at ipapa-renta ito sa mga tao. Naging maganda ang pagtanggap ng mga Pilipino sa ganitong negosyo, ngunit naging negatibo naman ito sa ating ekonomiya.

Bilang tugon ng gobyerno sa suliraning ito, pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree No. 1987 noong ika-5 ng Oktubre 1985 na nagtatatag ng Videogram Regulatory Board (VRB). Pangunahing layunin nito ay regulasyon ng mga nilalaman ng mga videogram; at pagpataw ng buwis sa industriya ng video.

Dumating ang Pebrero 2004 nang nilagdan ni Pang. Gloria Arroyo ang Republic Act 9239 o Optical Media Act of 2003 kung saan ang VRB ay kinilala bilang OMB. Kasalukuyan itong pinamumunuan ng aktor na si Ronnie Ricketts. Kasama sa batas na ito ang pagpapalawak ng saklaw ng OMB sa pagsugpo sa pamimirata. Kasama na dito ang iba pang uri ng pamimirata gaya ng mga softwares sa mga laro at musika. Pinatindi din ang parusa sa mga mahuhuling nagtitinda o gumagawa ng mga piniratang optical media isa na dito ang pagkakulong ng tatlo hanggang anim na taon at pagbabayad na 500 libong piso hanggang 1,500 na milyong piso.

Pagsilang ng Indie Films

Dahil na din sa pagkalugi ng mga produsyer ng mga pelikula at pagtaas ng gastos sa paggawa nito, naging solusyon ng mga maliliit  na produsyer ang paggawa ng mga independent films.

Ayon sa tala ng Film Acadamey of the Philippines (FAP), makikita sa kanilang website na mula isang indie film na naipalabas noong 2005 ay dumami pa ito hanggang 36 noong nakaraang taon. Naungusan nito ang bilang ng mainstream na pelikula na naipalabas ng taong iyon na 34 lamang.

Kadalasan, ang istorya ng mga pelikulang indie ay umiikot sa realidad ng buhay ng tao at kanyang paligid. Mga istoryang kakaiba sa karamihan ngunit kung magmamasid, malalamang ito ay totoo pala. Karamihan dito ay kinikilala ng iba’t-ibang award giving bodies sa ibang bansa. Isa na dito ang “Kinatay” kung saan nakuha ni Brilliante Mendoza ang parangal na  Prix de la Mise en Scene o pinakamahusay na direktor sa nakaraang 62nd Cannes Film Festival na ginanap noong Mayo 2009.

Isa sa mga unang nagawang pelikulang indie sa bansa ay ang Perfumed Nightmare ni Kidlat Tahimik noong 1977. Nanalo ito ng International Critic’s Prize sa Berlin Film Festival. Mula sa sariling bulsa ni Tahimik ang ginastos para makagawa ng panibagong klase ng pelikula sa bansa. May mga direktor din na gumawa ng ganitong klaseng pelikula. Halimbawa nito ang Oliver ni Nick De Ocampo at “Ang Magpakailanman” ni Raymond Red na parehong kinilala sa ibang bansa.

Maraming mga direktor at produsyer ang nahimok na gumawa ng mga pelikulang indie dahil sa baba ng gastos ng produksyon nito.

Sa kasalukuyan, patuloy din ang suporta ng mga malalaking kompanya ng pelikula sa mga indie films. Kabilang na dito ang Viva Films na nagsimula na din sa paggawa ng pelikulang indie. At ang Star Cinema na  tumulong sa  tinatayang 100 indie films at “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” upang mai-anunsyo ang mga ito sa publiko.

Isa si Lovely Queñano, second year Mass Communication dito sa Far Eastern University (FEU) ang nahilig sa mga indie films. Kwento niya nagsimula ang kanyang pagkahilig sa panunuod ng ganitong pelikula noong nasa haiskul pa lang siya. Ang pelikulang “Kubrador” di umano ang pelikula na una niyang napanuod. Kinakitaan niya ito ng isang bagong mukha ng pelikula, kakaiba ngunit makahulugan.

Ang Cinemalaya, Cinemanila at Cinema One Originals ay ang mga prestihiyosong kompetisyon na kumikilala sa mga naiiba at dekalidad na pelikulang indie.

Panahon ng Remake

Isa sa mga kalakaran sa kasalukuyan ang pagsasalin ng mga pelikula sa telebisyon at gagampanan ng mga kasalukuyang artista. Kasama na sa pagsasalin ang papapalit sa ibang parte ng istorya at pagdadagdag, pagbabawas o pagbabago ng ibang karakter na orihinal na nakilala sa pelikula.

Ang dalawang pangunahing istasyon ng telebisyon ngayon ang kadalasang gumagawa nito. Ang GMA 7 ay isinalin sa telebisyon ang kanilang bersyon ng mga pelikulang likha ni Mars Ravelo. “Darna” ang unang isinapelikula noong 1951 na pinagbidahan ni Rosa Del Rosario. Sa telebisyon naman ay pinagbidahan ito ni Angel Locsin noong 2005 at sa kasalukuyan ginagampanan ni Marian Rivera. Ilan pa sa mga isinalin sa telebisyon ay ang “Captain Barbell” at “Dyesebel” noong 2006 at 2008. Samantala, ang ABS-CBN naman ay isinatelebisyon ang mga lumang pelikula ni Susan Roces na “Patayin sa Sindak si Barbara”, “Maligno”, “Maruja” at “Florinda”.

Ngayon, marami nang mga pelikulang naisalin sa telebisyon na likha ng batikang direktor na si Lino Brocka tulad ng “Babangon Ako’t Dudurugin Kita”, “Maging Akin Ka Lamang”, “Sinasamba Kita”, at “Palimos ng Pag-ibig” na dinerehe noon ni Eddie Garcia.

Abot-kayang pelikula

Noong Setyembre 4, 2009 ay inilunsad ng SM Cinemas ang kanilang promo na tinawag nilang “P10 Film Fiesta” kung saan mapapanood muli ang mga lumang pelikula sa halagang 10 piso.

Ayon kay Danica Leung, Marketing Officer ng SM Cinemas, eksperimental lamang ang ideyang ito na nagsimula sa isang sangay ng SM Manila. Ngunit nang pumatok ito, ipinatupad na din sa iba’t-iba pang sangay ng SM.

“I think, siguro part of innovation sa cinema kung paano pa kami makaka-capture ng mga audience. So we thought of that way din since may nagpa-survey din na yung mga tao near SM Manila are mga small communities na ito ung kayang i-affrord. Kasi ‘di ba. a 160 pesos means it’s quite huge amount para sa karaniwang tao na hindi pala-nood ng sine. So parang bringing ‘yung cinema experience sa kanila in a very low price,” dagdag ni Leung.

Ngunit ang pinapalabas lang sa promo na ito ay puro pelikulang dayuhan. Hindi pa daw nila nasusubukan ang lokal dahil hindi pa nila nakakausap ang mga produsyer kung papayag na ipalabas muli ang kanilang pelikula sa mababang halaga.

Dahil sa pagtangkilik ng mga tao, natapos ang kanilang promo noong Disyembre 24, 2009 na dapat ay hanggang noong Disyembre 4, 2009 lamang. Wala pang kasiguraduhan kung itutuloy pa ito pagkatapos ng Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil marami ang pelikulang nakalinya na ipalabas sa kanilang mga sinehan.

Isa sa pinakamalaking pasyalan sa bansa ang Robinsons Galleria na nagtayo ng isang sinehan sa kanilang mall. Ang kanilang cinema eight na mas kilala ngayon sa tawag na Indie Sine ay nilagyan ng LCD projector upang maging magkabagay ito sa pagpapalabas ng mga pelikulang indie.

Kayumanggi o Puti?

Kasabay ng regular na pagpapalabas ng mga pelikulang lokal ay ang mga pelikulang dayuhan. Ayon sa www.imdb.com, ang dayuhang pelikulang Spider-man 3 ng Columbia Pictures noong 2007 ang naitalang pelikulang may pinaka-malaking kita sa kasaysayan ng Pilipinas na umabot sa P423.46 milyon. Pagdating naman sa pelikulang lokal ay nangunguna pa din ang “You Changed My Life” ng Star Cinema at Viva Films na kumita ng P230.44 milyon noong 2009.

Karamihan ng mga nanunuod ng sine ay mga kabataang binubuo ng mga estudyante at batang propesyunal. Ngunit nakakalungkot isipin na ang iba sa kanila ay hindi tinatangkilik ang mga lokal na pelikula at mas pinapanuod pa ang mga dayuhang pelikula.

Isa si Pia Erika Alconaba, third year BSE major in English sa University of the East-Manila sa mga kabataang hindi nanunuod ng pelikulang lokal. Ayon sa kanya, karamihan umano ng mga pelikula sa ating bansa ay malayo ang istorya sa realidad ng nangyayari sa ating bansa.

“Local movies lack quality and sense, almost every movie has a storyline that even nursery students can get,” pahayag niya.

Mula sa 1950’s, sa pagdaraos ng MMFF, pagkakaroon ng mga kopya ng pelikula sa iba’t-ibang porma ay nakakalungkot  paring isipin na mismong mga Pilipino ay hindi tinatangkilik sa ating mga pelikula na sumasalamin sa ating sariling kultura at pagkakakilanlan. Na sa bawat kayumanggi na nagbibida sa tabing, mayroong ilan sa atin na patuloy paring pinipili ang gawang dayuhan.

Alam natin na may mga bagay tayong gusto na ayaw naman ng iba at may may gusto naman ang iba na ayaw natin, ganyan din sa pelikula. Binubuksan nito hindi lang ang ating mata kun’di pati ang ating kaisipan sa iba’t-ibang katotohanan sa lipunan. Nakakatulong ito upang malaman natin ang tama at mali, ang totoo at kasinungalingan base sa ating sariling karanasan.

Sabi nga nila, matuto tayong mahalin ang atin sa ganitong pananaw, magbago man ang paraan ng pagsilay sa pelikula, mananatili pa rin ang makulay at katangi-tanging industriya ng pinilakang tabing.

Shakespeare sa Piyu
Nina Mark Anthony B. Bassig at Rosselle A. Calapatia

Makaluma man sa ilan, inilapit ni Shakespeare ang pusong mga mag-aaral sa tanghalan.

Galak ang unang nadama ng mga estudyante nang nagbukas ang telon ng FEU Auditorium noong Enero 22 upang itanghal ang Macbeth at Midsummer Night’s Dream  noong Pebrero 4. Sa tulong ng President’s Committee on Culture (PCC) naging mas makulay ang ika-60 na anibersaryo ng FEU Auditorium at ika-20 naman ng PCC.

Sa pagpapalabas ng mga dulang ito naging bukas ang PCC sa mga bisita mula sa ibang unibersidad tulad ng Ateneo De Manila University, University of the East (UE), University of the Philippines, Polytechnic University of the Philippines, at FEU-East Asia College.

Ayon kay Steven Tolentino, isang second year AB Journalism student sa UE, “Actually, gustong-gusto ko talagang mapanood ang mga ganitong klaseng dula, idol ko rin si Shakespeare lalo na nung highschool pa ako.”

Likhang Shakespeare

Ang Macbeth at Midsummer Night’s Dream ay iilan lamang sa mga 	dulang ginawa ni William Shakespeare.

Ang “Tragedy of Macbeth” o mas kilala sa tawag na “Macbeth” ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare noong 1606. Isinulat niya ito para kay James VI ng Scotland. Malaki ang interes ni James sa witchcraft na siyang naging tema ng dula. Sa katunayan, ang isa sa mga karakter na si Banquo ay ninuno ni James. Maliban sa Macbeth, isa rin sa likha ni Shakespeare ay ang Midsummer Night’s Dream na isinulat niya ng dalawang taon simula noong 1594 hanggang 1596.

Kahit banyaga ang mga dula ni Shakespeare napili pa rin ang mga ito para maipalabas sa FEU ng dahil na rin sa pratikalidad.

“Practicality is one of the factors that we considered. They (Word of Mouth Theatre Philippines) already have the production ready. It’s cheaper for us and for them,” pahayag ni Martin Lopez, Executive Director ng PCC.

Ang pagtatanghal ng isang dula mula sa ibang bansa at paggamit ng wikang banyaga ay hindi madali. Ngunit ang tagumpay ng isang palabas ay higit na madali sa pamamagitan ng masusi at mabuting preparasyon.

Wika nga ng isa sa mga tauhan sa Macbeth, “It’s knowing the text with the help of the director. You must understand the material.”

Ano nga ba ang pinaka dahilan kung bakit naghahandog ang PCC ng mga ganitong dula? Sa pagdaan ng maraming panahon simula ng magawa ang mga libro ni Shakespeare, nabigyan ito ng kahalagahan lalo na ng mga Pilipino. Ayon kay Dudz Teraña, director ng Summer Dreamin’,” My main intention is to educate FEU community in terms of literature. On how can I contribute sa FEU community to bring back the literature, Because nobody’s reading Shakespeare.”

Sa bagong handog ng mga organisasyong nagpapahalaga sa kagandahan ng obra ng mga banyaga na may Filipino Touch, nagsisilbi itong daan na makilala na kahit gawang banyaga nananatili pa rin ang tatak ng mga Pinoy.

Ang Macbeth

Umiikot ang istorya ng Macbeth sa trahedya, samantalang komedya naman ang Midsummer Night’s Dream. Sa pagtatanghal ng mga Pilipino sa mga dulang banyaga, nagpakita ng kahusayan sa pag-arte ang Word of Mouth Theatre Philippines na isang grupo na nagtatanghal ng iba’t-ibang dula at ang FEU Theater Guild na isang maipagmamalaking organisasyon na nagpapakita ng kagalingan sa pag-arte sa loob ng Unibersidad.

Ang “Macbeth Unplugged” ay binigyang-buhay ng mga de-kalibreng aktor at direktor. Ilan sa kanila ay minsan nang nakita sa telebisyon at nagkamit ng mga karangalan.

Ang mga pangunahing tauhan ay sina Roeder Camańag bilang Macbeth at Gigette Reyes bilang Lady Macbeth.

Si Camańag ay hinirang na Best Actor ng Aliw Awards. Nagtanghal na din siya sa Dulaang UP, Philippine Educational Theatre Association (PETA), New Voice Company and Musical Theatre Philippines. Nakagawa na din siya ng mga independent films.

Isang aktibong miyembro ng PETA naman si Reyes. Nakapagtanghal na siya sa Amerika kasama ang East/West Players at ang Manila Actor Studio. Nakasama na din niya sa trabaho ang mga batikang direktor gaya nina Joel Lamangan, ang yumaong si Lino Brocka at marami pang iba.

Ang bawat tagumpay ng pagtatanghal ay hindi lamang sa mga aktor kun’di maging sa mga tao sa likod ng entablado.

Summer Dreamin’

“Four months of intensive training, una muna we read the original text the original play of Midsummer nights for about one and a half month, so we study it. After we had also a intensive workshop sa comedy,” paliwanag ni Teraña.

Nagsimula ang kwento sa pagpapakilala sa mga fairies na nagsisilbing makukulay na  gabay ng mga bida. Umiikot ang kwento sa kakaibang pagmamahalan nila Belen, Meyor, Nina, Victor, at Anton.

Si Delia ay nahuhumaling kay victor na tumatakbong kandidato kalaban si Meyor, na may pakialamerang pamangkin na si Anton, na iniirog naman ni Belen.

Isa sa mga paborito ni Meyor ay ang ginataan ni Nina na siyang puno’t dulo ng kanilang paghahabulan lagi. Isa rin sa makukulay na tauhan ay ang mga sindikatong kasabwat ni Meyor ang Pink Sisterettes na mahilig sa itlog. Bilang ama ni Delia, si Fidel ay balak ipadala sa kumbento ang kanyang anak. Sa pagpasok ni Delia sa kumbent, nakasalamuha niya ang mga Pink Sisterettes na isang masamang impluwensya kay Delia kaya nagbalak itong tumakas. Nang nakatakas si Delia sumama na ito kay Victor at pumunta sa mundo ng Imajika.

Nang nasa Imajika na sina Belen, Meyor, Nina, Victor, at Anton nakilala nila sina Blabla at Blagadag, Flower Girls 1, 2, 3 at nakisama pa rito si Marimitmit na nakagulo sa isla ng Imajika.

Isa sa mga tauhan ay si Joremi Ongue na gumanap na isa sa mga Pink sistererettes, “Ang aking paghahanda ay ang aking boses talaga kasi may scene ako na kumanta ako, ayun, pinaghanda ko rin yung expresyon ng mukha kung paano ko mapapatawa yung mga manonood,” wika niya.

Sa pagbaba ng telon

Marami ang humanga nang matapos ang palabas, isang maipagmamalaking obra ang maituturing na naman ng mga Pilipino. Sa galing na ipinamalas ng mga tauhan sa dalawang dula na gawa ni Shakespeare, sa pagbaba ng telon, anu-ano nga ba ang mga naging reaksyon ng mga manonoood dito?

“It’s creative, they have a new version, not an old version. We know they have spent a lot of time. They have good expression and action,” wika ni Wu, Yen-Chen, isang Taiwanese student ng napanood niya ang Macbeth.

Maging ang mga beterano sa larangang ito ay humanga din. Ayon sa dating Executive Producer na si Rustica Carpio, “It’s very nice. Different kind of treatment and very creative. I like the set-up, ready for travelling. Because of that, they are free to do any actions. No dull moments. It’s very innovative.”

“Nakakatuwa na ginawang comedy na modern ang Midsummer ngayon, dahil diyan talagang maraming nanood ang bilib sa ipinakita ng Theater Guild,” sagot ni Ella Mistal, isang estudyante ng Hotel and Restaurant Management sa FEU.

Ang Macbeth Unplugged at Summer Dreamin’ ay hindi lamang sinaksihan ng mga estudyante ng FEU. Maging ang mga mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad ay nakiisa. Dumalo din ang ilang mga alumni at mga panauhin mula sa Taiwan, Baguio at New York.

Muli sa entablado

Ang mga plano ng Word of Mouth Theatre Philippines ay hindi nagtatapos dito. Upang makatulong at higit pang mapaunlad ang sining at kultura ng mga Pilipino, nagbabalak silang ipalabas din ang Macbeth sa wikang Filipino. Ito ay sa tulong ni Rolando Tinio, isang National Artist for Theatre Arts sa larangan ng literatura. Ang bersyong ito ay tatawaging “Macbet ni Tinio”. Para mas mapalapit ang likhang Shakespeare sa mga mag-aaral ng FEU, naisipan nilang isabuhay muli ang dula ni Shakespeare na Midsummer Night’s Dream na gagampanan ng mga miyembro ng FEU Theater Guild sa kakaibang atake.

Sa direksyon nina Edward Teraña at Jeremy Domingo, naipakita nila ang likhang Pilipino na maaaring maipagmalaki hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa na rin. Sa mga susunod pang dula na hango sa likha ni Shakespeare naway mabigyan nila ng hustisya ang mga halaw na dula. Ayon nga kay Lopez, “Hopefully, this is the start of many Shakespearean productions.”

Sa mga mag-aaral na nagnanais ding magtanghal sa entablado, ito ang maipapayo ni Lopez, “Go for it. Don’t let inhibitions stop you. Do it well. Attend all the rehearsals.”

Sadya ngang naging napakakulay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng FEU. Mangyaring hindi ito ang maging huli sa mga pagtatanghal na masaksihan ng mga mag-aaral dahil ang bawat pagtatanghal ay nag-iiwan ng magandang aral.

Ni Mark Anthony B. Bassig

Ang sining at kultura ay isang pamantayan sa pagkakaiba-iba ng katangian ng bawat bansa.

Sa paglipas ng panahon, ang Kulturang Pilipino ay nabahiran ng pintang nagmula sa iba’t ibang dayo sa bansa na nagbunga ng isang mayaman at makulay na kultura. Bagkus, ang isang kultura ay hindi mamamayagpag magpakailanman kung wala itong tagapagtaguyod.

Hindi lamang sa mga museo at pasyalan maaring matunghayan at makilala ang kultura ng lahi, subukin mong ipasyal ang iyong mga mata at baka natatabingan lamang ito.

Munting Tanghalan

Maihahalintulad ang President’s Committee on Culture (PCC) ng Far Eastern University sa Cultural Center of the Philippines na nagbibigay atraksyon para maipakita ang kagalingan sa iba’t-ibang sining. Sa pamamagitan ng kanilang mga proyekto naipapalabas nila ang talentong Pinoy na maipagmamalaki hindi lamang sa Pilipinas kun’di pati na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kilala ito bilang isang organisasyon sa Unibersidad na nag-uudyok sa mga mag-aaral na sumali upang makilala at maipakita ang kultura at sining sa pamamagitan ng kanilang mga pagtatanghal.

Ang PCC ay nilika ni Felixberto C. Sta. Maria, dating pangulo ng FEU noong 1990 para maipakita ang kultura at sining ng Pilipino hindi lamang sa loob ng Unibersidad pati mapa-labas. Isang hakbang na rin ang pagtatag ng PCC para sa paglilinang ng kakayahan ng mga mag-aaral at maipakita ang talento sa iba hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kilala ang mga Pilipino sa paggawa at paghandog ng iba’t-ibang kultura at sining na siyang nakakapagbigay karangalan sa ating bansa katulad ng paghuhubog ng PCC sa galing ng mga estudyanteng maipakita ito sa mga tao sa iba’t-ibang lugar.

Ang mukha ng Sining at Kultura

May mga institusyong nagpapamalas ng mga talento tulad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kung saan ipinapakilala nila ang tunay na sining at kultura ng Pilipino sa paggawa nila ng mga proyektong sumasalamin sa kalinangan at sining ng mga Pinoy tulad ng pagpapatayo ng mga museo na nagpapakita ng mga kakaibang likha nga mga kamay ng Pinoy. Halimbawa nito ang Blanco Family Art Museum sa Angono, Rizal.

Ngunit sa mga panahong nagdaan, ano na nga ba ang pananaw ng mga mag-aaral sa mga organisasyong nagpapakita ng kultura’t sining sa FEU?

Para kay Kristine Dulce, fourth year Fine Arts, “Dapat i-develop ‘yung mga ‘yun – kultura at sining kasi inborn ‘yun at dapat mag-invest pa ang school para sa mga talento ng estudyante.” Gusto niya na alagaan ng Unibersidad ang iba’t-ibang organisasyon na nagpapakita ng mga talento dahil ito ang nagsisilbing pride ng Unibersidad. Para naman kay Micah Garnet Labsan, first year Accountancy, napakaganda ng mga organisasyon sa ilalim ng PCC dahil dito na nadadagdagan ang mga estudyante sa kanilang mga talento at nabubuo daw ang lakas ng loob na nagsisilbing tulong para sa kanila sa kani-kanilang kinabukasan.

Hindi lahat ay bukas sa kaalaman para maisaloob ang kultura at sining, pero sa simpleng paghanga ng tao nagiging malaki ang epekto nito sa bawat miyembro ng grupo.

Kung may mga nakakaalam at humahanga mayroon ding mga mag-aaral na kulang ang kaalaman patugkol sa mga proyekto ng PCC. Isa dito si Glaiza Anonuevo, fourth year Nursing student. Nabanggit niyang hindi masyadong napapaalam sa mga estudyante ang iba’t-ibang proyekto ng PCC. Dagdag pa niya, dapat magsimulang magpursige ang PCC para mas marami ang sumuporta sa kanilang mga proyekto.

Para naman kay Nezsandra Jane Salen, first year Accountancy, “Okay naman ang PCC, may mga part na nakakatulong, kaso kasi ‘yung iba hindi gaano active para sa akin kasi kulang sa push factor para mas suportahan at malaman sila ng mga estudyante dito sa FEU.”

Sining Piyu

Mayaman ang FEU sa bawat salik na pagtatanghal sa entablado. Sa pag-arte, pag-awit, pagtugtog, pag-sayaw, at paggawa ng pelikula, bawat isa ay may kaukulang representasyon ang mga estduyante.

Isa sa mga organisasyong nagpamalas ng galing para maipakita ang kultura at sining sa larangan ng pag-sayaw ay ang FEU Dance Company (FDC) na binuo ni Alejandro Roces, dating dekano ng Institute of Arts and Sciences. Naipapakita nila dito ang kahusayan sa pagindak kasabya ang musika.

Ayon kay Jayson Apresa, miyembro ng FDC, “Para sa akin, sa pamamagitan ng FDC nahahasa ang talento namin sa pagsasayaw. Every performance namin naiisip namin na ang ginagawa namin ay hindi lang para sa amin kun’di para din sa mga manonood.”

Naitaguyod ang isang maipagmamalaking grupo sa larangan ng pagtugtog, ang FEU Grade School the Singing Bamboo Band o mas kilala bilang Pangkat Kawayan na binuo ni Dr. Nicanor Reyes Jr. sa tulong ni Victor Toledo noong 1966. Muli itong itinatag sa taong 2007 at naging FEU Bamboo Band na sa kasalukuyan ay mayroong 30 miyembro mula sa iba’t-ibang institusyon ng FEU na nagpapamalas ng galing sa pagtugtog. Ayon kay Ricardo Villas, mag-aaral ng Institute of Education, “I joined FEU Bamboo Band para ma-showcase ko ang isang Tamaraw talent para ipakilala ang musikang Pilipino gamit ang kawayan.”

Hindi naman magpapahuli ang FEU Drum and Bugle sa pagtugtog ng iba’t-ibang instrumento na nagpapakitang gilas sa pag-ikot ng mga baton at nagpapatugtog ng mga maliliiit o malalaki mang drums at bugles. Ito ay binuo noon pang 1930 ni Dr. Nicanor Reyes na may layuning tumugtog sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at sa mga iba’t-ibang pista sa bansa.

Isa ring maipagmamalaki ang FEU Theater Guild (FTG) na nagpapakita naman ng kagalingan sa pag-arte sa entablado. Una itong binansagang FEU Dramatic Guild noong 1930, isang magandang bagay na naisip ni Sarah Kabigting-Joaquin na dating actor-director ng grupo at isinasagawa nila ang hindi matatawarang mga pag-arte sa lumang gusali sa Azcarraga, Manila na ngayon ay Claro M. Recto.

Dito nakilala sina Frankie Evangelista, isa sa mga unang miyembro ng Dramatic Guild na matagumpay na nakapaso bilang Executive sa ABS-CBN, at sikat na komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas. Iilan lamang sila na nagtagumpay ng dahil na rin sa pagsali nila sa grupo, kahit malayo ang kanilang nakamit na larangan sa kanilang unang ginampanan, gayon pa man isang maipagmamalaking parte sila ng organisasyon.

Ang mga hindi matatawarang pag-awit ng FEU Chorale na minsan na ring naging panauhin at nagtanghal Umagang kay Ganda ng ABS-CBN. Ang grupo ay kinabibilangan ng mga non-graduating students mula sa iba’t-ibang institusyon ng Unibersidad matapos muling buuin noong 2004 ni Dr. Lourdes Montinola.

Curtain Call

Noong May 8, 2009 itinampok ng FDC ang Cultural Exchange na pinamagatang “Fiesta” sa FEU Auditorium. Naging panauhin dito sina Cho Nam Gyu at Song Jong-Sun na mga mananayaw na mula sa isang dance company sa Korea. Dahil sa pagtatanghal na ito naipapakita ng mga Pinoy ang mga kultura’t sining sa ibang lahi. Kasama din dito ang Red Chamber Concert na ginanap rin sa FEU Auditorium noong July 20, 2009 na tampok ang mga Korean na sina Mei Han, Geling Jiang, Guilian Liu, Zhimin Yu at Jay O’ Keeffe.

Nanalo bilang fourth placer ang FDC sa taunang dance competition na “Skechers” para sa mga mag-aaral ng iba’t-ibang unibersidad na ginanap sa Araneta Coliseum.

“Maganda ang naipakita ng FEU Dance Company nung Skechers, hindi mapapantayan na ang Tamaraws ay may laban din sa Sining ng pagsayaw,” komento ni Jose Reyne Gonzaga, isang propesor ng Physical Education  sa University of Makati.

Sa larangan naman ng musika, nakapagbigay din ng magagandang pagtatanghal ang PCC. Isa dito ang ginanap na “Unveiling of Sarimanok Stained Glass Panels of Antonio Dumalo Commemorations: Featuring the Manila Symphony Ochestra” noong July 31, 2009 para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng FEU Auditorium at nina Joseph Haydn at Felix Mendelssohn na inalayan ng event.

Nakapagbigay kaalaman din ang “Lecture Demo with Liza Macuja on Classical Ballet” kasama ang Classical Ballet Excerpts at tampok din ang Kwento ni Lola Basyang na “Mahiwagang Biyulin.”

Noong Nobyembre 16, 2009, ginanap ang taunang Sinepiyu: FEULIKULAHAN ng FEU Film Society. Sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN, ipinalabas nila ang independent films na gawa ng mga estudyanteng nagpakita ng kahusayan at talento sa paggawa ng pelikula.

Kung pag-arte naman ang pag-uusapan nangunguna na sa FEU ang Theater Guild na ngayong taon ay naghahanda para sa isang maipagmamalaking proyekto, Sa darating na Pebrero 4, 2010 ang “Midsummer’s Night Dream” na ipapakita nila ang kanilang kahusayan sa pag-arte at gaganapin sa FEU Auditorium.

Nasilayan din natin nitong Enero 22 ang isa mga maipagmamalaking proyekto ng PCC, ang “Macbeth” kasama ang mga theatre artists mula sa Word of Mouth Theater Philippines na mula sa PETA Philippines na silang nagpakitang-gilas din sa kanilang pagganap sa Macbeth. Isinusulong ng organisasyon na magkaroon ng lakas ng loob ang mga mag-aaral sa pag-arte para maipakita ang kahusayan sa iba.

Patuloy pa rin ang pagpapakita ng PCC ng mga maipagmamalaking proyekto para maipakita sa mga mag-aaral sa unibersidad kung ano nga ba ang tunay na kultura’t sining. Isa sa mga magandang dulot sa pagpapakita sa kanila ay ang maramdaman nila na sa pamamagitan ng mga iyon na tayo ay Pilipino.

Isa sa mga magandang bagay sa buhay ay ang pagkakaroon natin ng mayaman na kultura’t sining, at hindi tayo dapat malugmok na lamang o maghintay para mapansin at makilala sa buong mundo. Sa larangan ng Teatro, Musika, Larawan, at Pelikula naipapakita ang mga talento na nagsisilbing yaman para sa ating mga Pinoy.

Hindi narin natin kinakailangan magpakalayo upang matunghayan ang tunay na sining at kultura ng Pilipino sapagka’t nariyan lamang sa tabi tabi at naghihintay na ating bigyan pansin.

Masigabong Palakpakan sa Natatanging Indak
Mga makukulay na kasuotan, mga magagarbong props, mga palakpakan at hiyawang naglalakasan, at mga nakamamanghang galaw at sayaw. Ilan lamang ang mga ito sa mga bagay na mapapansin natin tuwing may palabas ng mga sayaw.

Isa ang Indak sa mga halimbawa ng mga pagtatanghal ng iba’t ibang klase ng mga sayaw. Ito ay ipinapalabas taon-taon kasabay ng Foundation Week ng Far Eastern University (FEU). Ngunit hindi lamang ito basta sayawan na naglalayong magpasikat at magyabang ng mga talento ng mga mag-aaral na mayroon ang unibersidad.

Mga layunin

Ibinahagi ni Zenaida Omampo, head ng Physical Education Department ng FEU na ang Indak ay isang culminating activity na kung saan malayang naipapakita ng mga mag-aaral ng FEU ang kanilang talento sa pagsasayaw.

“Sa Indak, maraming areas covered. Merong folk dance, ballroom, modern at jazz. So, we have to cover all these things as the culminating to show their skills and even their potentials,” saad ni Omampo.

Ayon pa kay Omampo, isang paraan ito upang pansamantalang maipahinga ng mga estudyante ang kanilang mga isip mula sa pag-aaral. Ipinaliwanag pa niya na sa pamamagitan ng simpleng pagsasayaw, malayang naipapakita at nailalabas ng isang tao ang kanyang mga emosyon at damdamin. Nakakatulong rin daw ito upang matanggal ang pagiging mahiyain ng mga mag-aaral at para maiangat ang lebel ng kumpiyansa ng mga ito.

Sinabi rin niya na ang pagsasayaw ay paraan para makaiwas sa droga at iba pang uri ng bisyo. Sa tulong daw nito, maibabaling ng mga mag-aaral ang kanilang atensyon sa pagsasayaw, sa halip na magkaroon o ipagpatuloy ang anumang bisyo meron sila.

“We have this not just to improve their fitness but also to improve their lifestyle. Kasi ‘pag nagpe-perform, nawawala ang shyness, it boosts confidence. It also helps sa uprightness, cooperation, pati sa participation nila,” dagdag pa niya.

Muling paghataw

Dahil sa hangaring maipakita ang kahalagahan ng pagsasayaw at tulong na maibibigay nito sa mga mag-aaral, muling ginanap ang Indak na may temang “Upholding Uprightness in the University and in the Nation” noong Enero 20 sa pangunguna ni Omampo. Sa ikatlong pagkakataon ay muling naipamalas ng mga estudyante ang kanilang talento sa pagsasayaw sa gabay na rin ng mga guro mula sa PE Department.

Itinanghal ng mga mag-aaral mula sa PE2 at ng ilang foreign students ang iba’t-ibang sayaw ng mga banyaga. Nauna rito ang Korean dance na itinuro ni Irma Escobia. Sumunod naman ang Chinese dance ni Maricar Tan, Egyptian dance ni Leylani Samson, Italian dance ni Geraldine Miñas at Hawaiian dance ni Yolanda Sioson.

Ipinakita rin ang iba’t ibang klase ng sayaw na itinuturo ngayon sa PE2. Ilan sa mga ito ang Contemporary na itinuro ni Cristina Lopez, Country Dance ni Edna Balarosan, Jazz ni Connie Macalintal, Mambo at Cha-cha ni Cristybel Dela Cruz, at Tango at Flamenco ni Robert Esguerra.

Magkahiwalay namang sumayaw ang mga estudyanteng Korean at Chinese ng kanilang popular dance mula sa kani-kanilang bansa na turo nina Escobia at Tan. Magkakasama naman sa isang sayaw na itinuro ni Jackie Alolor ang FEU Cheering Squad at ilan sa mga atleta ng Badminton, Taekwondo, Women’s Basketball at Track and Field ng FEU.

Matagumpay ng pag-indak

Napuno ang FEU Grandstand ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t-ibang Institute ng FEU.

“Entertained na entertained ako sa mga napanood ko. Lalong lalo na sa huling parte, nung sumayaw ‘yung Cheering Squad at t’saka ‘uong mga athlete natin. Grabe, ang galing nila! Nagulat ako na kaya nilang sumayaw ng gano’n,” pahayag ni Mariel Apostol, first year BS Accountancy.

Ayon kay Omampo, masaya siya sa kinalabasan ng Indak ngayong taon. “I’m happy because basically you’ll see the output of the teachers and the students. They are not professionals, but when they perform, they bring out the best in them. And the teachers, hindi sila choreographers, they are just dance trainers, pero they came up with ideas that look good.”

Idinagdag pa niya na natuwa siya sa naging interaksyon sa pagitan ng mga propesor at ng mga estudyante na nagbahagi ng kanilang talento. Masaya din daw siya sa mga reaksyon ng mga mag-aaral dahil kitang-kitang natuwa sila sa kanilang mga napanood base na rin sa kanilang mga palakpak.

Pahinga muna

Sa kabila ng tagumpay ng Indak ngayong taon, sinabi ni Omampo na wala daw munang gaganaping Indak sa susunod na taon upang magbigay daan naman sa Sports.

“Indak is still there, but there will just be a break because PE1 and PE2 have already been given a chance, so PE3 and PE4 naman. We try to balance sa programming because we know that we are PE Department so we have to cater all,” paliwanag ni Omampo.

- Don Carlos P. Santos

Sino si Andres Bonifacio sa taong 2009?
Ni  Mark Anthony B. Bassig

Ilang dekada na rin ang lumipas ng masilayan ng mga Pilipino ang  kabayanihan ni Bonifacio na nagbigay daan sa tinatamasa nating kalayaan. Sa ngayon, matatagpuan si Bonifacio sa mga libro at mga monumento, kung saan nababasa at naisasalarawan ang kanyang kontribusyon sa ating bayan. Ngunit mapasa hanggang ngayon alam pa kaya ng mga Pilipino ang tunay na kabayanihan ni Bonifacio? Sino nga kaya si Andres Bonifacio sa paglipas ng panahon?

Ayon sa Monumento

Hindi makakaila na pag nabanggit ang pangalang Andres Bonifacio unang pumapasok sa isipan ay isang taong matapang at maituturing na isang tunay na bayani. Sa katunayan, ganito siya inilalarawan sa kanyang mga monumento tulad ng sa  Lawton, Maynila-Liwasang Bonifacio; Balintawak, at maging sa mga lungsod ng Quezon City at Caloocan.

Kaakibat na ni Bonifacio ang Katastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK, kung saan siya namuno at nakipaglaban kasama ang iba pa nating kababayan upang makamit ang inaasam nating kalayaan.

Sa katunayan, ang Liwasang Bonifacio ang naging sentrong parke ng Maynila. Bilang Ama ng Himagsikan, inilaan ang parke para kay Bonifacio na ipinatayo noong Disyembre 1994 na siya ring naging tagpuan ng mga raliyista na nakatuon sa isyung lokal at pandaigdigan. Binansagan ang parke bilang Malayang Parke ng Pilipinas.

“Madalas kong makita ‘yang monumento ni Bonifacio sa Maynila kasi nadadaanan ko siya. Buti nga kahit pa’no, naaalagaan siya eh,” bahagi ni Alberto Baraoidan, isang taxi driver.

Filipino Marat

Marami ngayon ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at tanging paghahanapbuhay ang tanging paraan para maiahon ang kanilang sarili sa gutom. Tulad ni Bonifacio, hindi naging hadlang ang kanyang pagiging mahirap para hindi niya matulungan ang kanyang sarili at ang kanyang mga kapatid.

Maagang naulila si Bonifacio, sa edad na 14 ay inako na niya ang responsibilad bilang mga magulang sa kanyang mga nakababatang kapatid. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng baston na gawa sa kahoy, at papel na pamaypay na kanyang inilalako sa lansangan.

Kahit hindi nakapagtapos ng sekondaryang edukasyon si Bonifacio, naisasapuso pa rin niya ang pagiging mambabasa. Natutunan niyang bumigkas ng wikang Ingles nang pumasok siya bilang isang kawani sa J.M. Fleming & Company. Ito ay naging daan para makabasa siya ng mga banyagang nobela at mga libro patungkol sa rebulusyon ng Pransya, pulitiko, batas, at relihiyon.

Pinunan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Nahiligan niya ang mga nobela ni Jose Rizal, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang “Les Miserables” ni Victor Hugo, Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Ang mga aklat na ito ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa upang bumuo ng himagsikan at magtatag ng Katipunan.

Sa panahon ngayon, marami na ang gaya ni Bonifacio na gumagawa ng paraan para sa ikabubuti ng kanilang buhay, kahit may kahirapan, nandun pa rin ang pagsasaisip na may magagawa at may may pag-asa.

Tulad ni Corazon Beltran, 56, isang residente ng Cembo sa lungsod ng Makati, bagaman siya ay matanda na, noong mga kasing tanda niya pa si Bonifacio, tumigil din siya sa kanyang pag-aaral ng dahil pagkawala ng kanyang ina na nagsisilbing ama na rin sa kanilang pitong magkakapatid. Tumulong muna siya sa kanyang mga kapatid para may ipangdagdag sa kanyang muling pag-aaral. Isang katangian na maihahambing kay Bonifacio, ang kahirapan ay hindi hadlang para hindi kumilos para buhay ay may patunguhan.

Sa kanyang pagiging istriktong bayani, pagiging isang matulungin sa kapwa, isang tunay na rebolusyunaryo si Andres Bonifacio na binansagang “Filipino Marat” ni Wesceslao Retana, isang tagapaglingkod noong panahon ng mga Kastila.

Araw ni Bonifacio

Bukod sa mga akda sa ating kasaysayan at ang mga natatanging monumento ni Bonifacio, itinakda  noong Pebrero 16, 1921 sa pamamagitan ng Akda  bilang 2946 ng Saligang Batas ang ika-30 ng Nobyembre bilang Bonifacio Day. Itinuturing na isang official holiday ito bilang pagkilala sa araw ng kapanganakan at kabayanihan ni Bonifacio.

“Ngayon ay pagdiriwang ng Bonifacio Day, Isang araw din para gumawa  tayo ng mga bagay na kabayanihan kahit sa maliit na bagay lang,” pagbabahagi ni Judy Katherine Alforte, isang Filipino professor ng Far Eastern University.

Sa kabila ng pagkilala kay Bonifacio, nanatili siyang isang dayuhan sa ilan. Nanatiling sikreto ang kontribusyon at mabuting halimbawa ni Bonifacio sa mga Pilipino. “Bonifacio Day ngayon, pero kita mo, parang wala lang sa iba, walang pakialam na parang ordinaryong araw lang,” saad ni Kayrell Padilla, estudyante ng Mass communication sa UP-Baguio.

Sa paglipas ng panahon na nakatayo ang iba’t-ibang monumento ni Bonifacio, napapanatili pa kaya ang kaayusan ng mga ito?

“Madalas ninanakaw ‘yung mga tanso d’yan sa estatwa na ‘yan,” pahayag ni Isaac Aldan, tindero sa tabi ng monumento sa Liwasang Bonifacio. Sa pangyayaring pagnanakaw, nagpapakita ito ng hindi natin pagkilala at pagrespeto sa bayaning nagsilbi para sa ating bayan.

Malaya na ang Pilipinas mula sa mga dayuhan, ngunit tila nagpapaalipin naman ang iba sa kamangmangan at kahirapan. Ang kuwento ni Bonifacio ay kuwento ng bawat Pilipino. Daang taon man ang lumipas, ang kanyang aral at adhikain ay mananatiling unibersal.

Subalit, mananatili na lamang bang sikreto ang kuwento ni Bonifacio at ng ilan pa nating mga bayani sa ating kasaysayan? Magmimistula na lamang bang palamuti ang mga monumento na dapat sana ay maging paalala ng kagitingan ng mga naunang Pilipino?

Muling pag-arangkada ng PNR
Ni Bill Andrew L. Rañola

Mga batang naghahabulan, lalaking walang damit pang-itaas at mga naglalabang kababaihan. Ilan lamang sila sa mga unang pumapasok sa isip natin kapag nababanggit ang salitang “riles ng tren” Ngunit sino ba sa atin ang nakaranas nang sumakay dito?

Ilan kaya sa ating henerasyon ang nakaka-alala sa Philippine National Railways (PNR)? Marahil dahil siguro mas patok ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ngayon kaya hindi na masyadong nabibigyang pansin ang PNR.

Balik operasyon na ang mga tren ng PNR na kasama sa rehabilitasyon sa 10 Point Agenda ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Noong ika-14 ng Hulyo 2009 ay pormal nang ipinakilala sa publiko ang bagong mukha ng PNR.

Dating biyahe

Ang PNR ay itinatag noong 1892, anim na taon bago ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Ang unang pangalan nito ay Manila Railway Company o MRC. Bago ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang serbisyo nito ay umaabot hindi lamang sa Legazpi kundi hanggang Lungsod ng Tabacco sa Bicol. May mga tren din na bumibiyahe pa-hilaga mula Maynila hanggang sa Lungsod ng San Fernando sa La Union.

Noong 1950’s ay pormal nang pinalitan ng MRC ang pangalan sa PNR na mas kilalang tawag ngayon.

Dahil sa matinding pagbaha noong 1973 ay napilitang isara ang ilang parte ng Norte at nasira din ang mga tulay na dinadaanan ng tren sa Camalig noong 1975 kaya ito ang naging simula ng tuluyang pagsasara ng estasyon ng tren sa Legazpi.

Bagong pamunuan

Ibinahagi ni Nicolas Priela, Chief-of-Staff ng Office of the General Manager ng PNR na noong nakaraang taon pa dapat natapos ang unang bahagi ng rehabilitasyon nito. Naurong ang implementasyon kaya hindi nasimulan agad.

“Actually, new leadership ngayon ‘eh, under Chairman Mike Defensor and General Manager Manuel Andal, nag-assume lang sila September of 2008. So nakaka-isang taon pa lang sila, binibilisan at kinukumpleto nga ito kasi delayed na sila,” dagdag pa niya.

Mula nang maupo si Defensor at Andal sa pwesto ay binilisan na umano ang paggawa ng unang bahagi ng rehabilitasyon sa PNR. Dalawang kompanya sa South Korea ang namuno sa rehabilitasyon. Una dito ang Hanjin na pagpupuno ng mga gawaing civil at Rotem na siya namang gumawa ng mga tren.

May dalawang parte ang kasunduan sa South Korean-Linkage Project. Unang bahagi ang Tutuban-Alabang at huli naman ang Alabang-Calamba na popondohan ng KEXIM, isang bangko sa South Korea. Ang double tracking na isinasagawa sa unang bahagi ay tapos na, samantalang sa ikalawang bahagi ay nakatakdang matapos sa Disyembre ngayong taon.

Mga Lubak na dinaanan

Tuloy-tuloy pa din ang rehabilitasyon sa Maynila hanggang Bikol ayon kay Priela. Prayoridad nila ngayon ang muling pagbubukas ng biyaheng Maynila hanggang Bikol. Inaasahan nilang maisasakatuparan ito bago matapos ang termino ni Arroyo sa Hunyo 2010.

“The total rehabilitation is from Manila to Legazpi. The thing is, the two major bridges linking them have been destroyed. One is in Calamba, the San Cristobal bridge was destroyed during typhoon Milenyo. Then the other one in Ginubatan in Bicol, the Travesia bridge in Ginubatan Albay, this was destroyed by typhoon Reming,” paglilinaw ni Priela.

Ang mga nasirang tulay din umano sa Calamba at Ginubatan ang tanging daanan ng tren patungong Bicol.	Nakatakdang matapos ang pag-aayos ng dalawang tulay sa susunod na taon. Una na dito ang tulay ng San Cristobal sa Pebrero at tulay ng Travesia sa Setyembre.

Ayon kay Priela, may ilan din umanong mga maliliit na tulay na kailangang gawing concrete tiles na dating wooden tiles na kasalukuyang inaayos. Medyo matagal ang proseso ng pagkakabit ng mga bagong concrete tiles, ngunit isa din itong oportunidad na habang hindi pa nagsisimula ang biyahe mula Maynila hanggang Bicol, pwede na silang magbukas ng biyahe para sa mga pasahero sa ibang istasyon ng PNR upang mapalakas ulit ito.

Bago at Luma

Ang mga bagong tren ng PNR ay gawa sa Korea, bilang parte pa din ng South Korean-Linkage Project, modelong DMU o Diesel Multi Units na pinapaktakbo ng diesel.

Ayon kay Priela, ang disenyo ng mga tren ay galing sa Korea pero ang Pilipinas ang pumili ng kung anong nababagay para sa mga pasaherong Pinoy. May pagkakahawig ito sa ayos ng MRT at LRT dahil ang mga upuan ay nasa gilid ng tren, may maluwang na pasilyo at kapasidad ito mula 120 hanggang 150 na tao. Ang ruta nito ay mula Tutuban-Bicutan at pabalik.

Sa kasalukuyan, mayroong anim na bagong tren na nabili ang PNR. Tatlo dito ay naka-reserba at ang natitira naman ay kasalukuyang ginagamit.

May tinatawag ding “Long Owl” kung saan ginagamit ito para sa mahabang biyahe tulad ng nalalapit na pagbubukas na ruta hanggang Bicol. Ang ayos ng upuan nito ay parang sa ordinaryong bus at may hiwalay na palikuran ang babae at lalake.

Ang mga lumang tren naman ay kasalukuyang ginagamit sa mga biyahe mula Tutuban-Biñan sa Laguna. May dalawang biyahe bawat araw sa umaga at gabi. Ang iba namang mga tren ay inaayos pa ng Santarosa, isang pagawaan ng jeep.

“The total cost is 5.2 million that is still cheap. Kasi kung ipapadala sa labas, it will cost us 25 million. 10 million freight pa lang ‘yun to and from. Then, the whole repair will cost 15 million. We are doing this kasi ginagamit mo na ‘yung local employer, nadadagdagan ‘yung local skills. So, nakakatulong,” pahayag ni Prieda.

Sa ngayon, wala pang planong tuluyang ihinto ang operasyon ng mga lumang tren dahil ang iba dito na nakikita nila na pwede pang gamitin ay kanilang ipinapaayos ngunit ‘yung mga hindi na p’wedeng gamitin ay hindi na pinapayagang bumiyahe.

Buhay sa tabi ng riles

Bilang bahagi ng rehabilitasyon ng PNR, inilipat ng mga tirahan ang mga naninirahan sa paligid nito. Ngunit hanggang ngayon, may mga naninirahan pa din sa tabi ng riles gaya ng nasa Alabang at Caloocan.

Bukod sa hindi pa natatapos na double tracking sa ilang lugar sa Alabang, ang isa din sa mga rason kaya hindi pa pinapayagang bumiyahe ang mga bagong tren ay sa nababahala ang pamahalaan ng PNR na baka sirain ng mga naninirahan sa tabi ng riles ang mga bagong tren.

Hindi na umano sakop ng PNR ang pagpapaalis at relokasyon ng mga informal settlers. Ang ahensiyang namumuno dito ay ang National Housing Authority (NHA) na namamahala sa relokasyon ng mga pamilyang dating nakatira sa tabi ng riles. Karamihan ng mga pamilya ay inilipat sa Laguna, Bulacan at Pampanga.

Tugon ng mga pasahero

Bawat buwan, umaabot lamang sa P 25,000 ang kita ng PNR, pahayag ni Priela. Ngayon, nasa P 2.2 milyon na ito kada-buwan. Tumaas umano ang bilang ng mga sumasakay sa tren at umaabot na ito ng higit sa isanlibo katao sa loob ng isang buwan.

Hindi pa din nila itinataas ang pamasahe dito. Umaabot lamang sa P10 ang bayad mula Tutuban-EDSA at sa mga susunod na istasyon ay P15 hanggang Bicutan.

Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito, ang dating paraan pa din ng pagbabayad ang ipinapatupaad ng PNR. Hindi ito kagaya sa LRT at MRT na gumagamit ng card. Sa PNR, ticketing system pa din. Pero tinitingnan pa rin nila ang posibilidad ng bagong sistema. Balak nilang gumamit ng barcode at turnstiles.

Sa unang bahagi ng 2010 ay natakdang muling buksan ang Maynila-Bicol na biyahe ng PNR. Isa din sa malapit nang ilunsad ay ang Commuter Service sa ilang parte ng Bicol. “Kasi do’n sa Naga, merong naipit dun na dalawang locomotives at limang kotse. Ang ginawa [namin], inayos together with the repairs and rehabilitation of the bridges.” kwento ni Priela.

Mahigit tatlong taon ding walang tren na bumiyahe sa ilang parte ng Bicol kaya malaking tulong daw ang skate na pinapatakbo at ginagawang negosyo ng mga nakatira sa paligid ng riles upang hindi manakaw ang mga riles.

Ilan sa mga kadalasang pasahero ng PNR ay mga mag-aaral ng iba’t-ibang pamantasan sa ka-Maynilaan. Isa na dito si Kimberly Ibayan na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa.

“Mas accessible kasi tapat lang ng school ‘yung istasyon at mas masarap sumakay kasi mura. 10 piso lang naka-aircon ka na tapos wala pang polusyon,” pahayag niya.

Mas tipid din daw sa kanya bilang estudyante dahil sa Bicutan pa siya umuuwi at mas mabilis ang kanyang biyahe lalo na kapag papasok siya sa paaralan.

“Bago at ang mga treng ginagamit, maayos at manilis din ang mga ito [tren]. Komprtable para samga pasahero. Mas mura pa kesa sa LRT,” pahayag ni Cherry Ann Rubio, estudyante ng Technological Institute of the Philippines-Manila.

Nakapanayam din namin si Aling Rose, may ari ng isang kainan sa paligid ng opisina ng PNR kwento niya ay nung kabataan daw niya ay parati daw siyang sumasakay sa tren ngunit simula ng nasira ito at naluma ay hindi na siya sumakay muli.

“Hindi ko alam na operational na pala ulit yung tren. Kulang kasi yung anunsyo nila. Tignan mo nga ang lapit lang naming di ko pa alam,” dagdag niya.

Mga nakalinyang plano

Kasama sa mga nakahatag na plano ng PNR ay ang pagpapatupad ng Rationalized Organization. Bilang paghahanda sa planong ito ay binawasan ng pamunuan ang kanilang manpower count, mula 3,000 ay naging 234 na lang ang empleyado ng PNR.

Ang mga empleyado ay inalok ng early retirement at ang iba ay nag-voluntary retirement. Bukod sa GSIS na hanggang ngayon ay wala pa, ang mga natirang empleyado na ayaw pang mag-retire ay dinaan nila sa screening dahil limitado nalang ang kanilang kailangan. At ang mga hindi na naman k’walipikado ay pinayuhan nang magretiro.

Mula Hunyo 2010, may nakahanda na silang plano na may walong taong implementation period.  Ang walong taon daw ay termino ng isang General Manager. Ngunit kahit sino pa man ang maging pinuno ng PNR at maging pangulo ng bansa, tuloy-tuloy pa din ang mga nakalatag na plano hanggang makumpleto ang buong rehabilitasyon, pagbabahagi ni Priel.

Kasama sa plano ang pagtaas ng kalidad ng Southrail-Sorsogon Extension. At ang gauge mula sa narrow na gamit ng PNR ngayon na may bilis na 80 kilometro bawat oras ay papalitan ng standard na gamit naman ng LRT at MRT na may bilis na 120 kilometro bawat oras. At sa pamamagitan ng standard gauge, makokonekta ang tren sa Northrail.

Iba pang biyahe

Bilang parte pa din ng plano sa loob ng walong taon, ay muli ding bubuksan ang linya mula Calamba-Batangas Port Line para maikonekta ang PNR sa western nautical highway.

Ang Freight Services din ay balak buhayin muli bilang tugon na sa suhestiyon ng mga pribadong sektor upang madaling maibiyahe ang mga produkto lalo na ang mga produktong agraryo. “I’m from Naga City, my Father was the General Manager of the National Marketing Corporation. ‘Yung mga goods at canned goods na hina-handle nila, fini-freight lang ‘yan papunta dito. Tapos pabalik no’n ‘yung mga agricultural products with the freight service mas maalwan ang buhay ng mga farmers kasi madaling nakakarating ang mga goods,” bahagi ni Prieda.

Isang magandang ambisyon ang planong pagkabit-kabitin ng PNR ang mga pulo sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalakas ng serbisyo ng nito.

Ang tren ng PNR ay magsisimula sa Caloocan papuntang Asistio Avenue, C-3 (5th Avenue), Solis, Blumentritt/Tutuban, Dapitan, España, Sta. Mesa, Beata, Paco, San Andres, Vito Cruz, Buendia, Pasay Road, Edsa, FTI, Bicutan, Sucat at hihinto sa Alabang, ang bawat estasyon ay 10 minuto paghihintay na oras.